^

PM Sports

Tigers puntirya ang ika-2 panalo

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasa kukote ng University of Sto. Tomas na haplitin ang two-game winning streak pagharap nila sa Ateneo sa UAAP Season 87 men’s basketball tournament na lalaruin sa Araneta Coliseum nga­yong araw.

Magsisimula ang bakbakan ng UST at Ateneo sa alas-6:30 ng gabi pagkatapos ng banatan sa pagitan ng defending champions De La Salle University at Adamson sa alas-4:30 ng hapon.

Kakapit muli sa opensa si UST coach Pido Jarencio kina Nic Cabañero, Mohamed Tounkara at Christian Manayay para masikwat ang inaasam na back-to-back wins.

Nagtala si Cabañero 14 points habang may 13 at 10 markers ang kinana nina Tounkara at Manayay, ayon sa pagkakasunod para tulungan ang UST sa panalo laban sa University of the East, 70-55 noong Linggo.

“Happy ako dito sa first game namin,”ani former PBA player, Jarencio. “Ito yung breakout game namin. Masasabi ko na makuha lang namin ‘to, yung confidence namin tataas,”.

Pero tiyak na dadaan sa butas ng karayom ang Growling Tigers bago makuha ang panalo dahil gigil ang Blue Eagles at gusto nilang makabawi agad sa pagkakadapa nila sa unang laro.

Yumuko ang Ateneo sa University of the Philippines, 61-77 noong Sabado.

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with