Abarrientos makakatulong sa Ginebra
MANILA, Philippines — Matinding backcourt ang magagamit ni coach Tim Cone sa pagsabak ng Barangay Ginebra sa darating na PBA Season 49 Governors’ Cup na magbubukas sa Agosto 18.
Ayon kay Cone, maaari niyang pagsabayin sina first round rookie pick RJ Abarrientos, Scottie Thompson at Maverick Ahanmisi.
“We can play three guards. Maverick, Scottie, and RJ, all playing together,” wika ng two-time PBA Grand Slam champion coach. “It could be pretty exciting. We don’t see that as a playing time issue with those guys.”
Ang 24-anyos na si Abarrientos ay pamangkin ni PBA Johnny Abarrientos na dating naglaro kay Cone sa Alaska.
Sa pagdating ng dating kamador ng Far Eastern University Tamaraws ay magiging magaang din ang trabaho ng one-time PBA MVP na si Thompson na nagrerekober sa back injury.
Bukod kay Abarrientos, ipaparada rin ng Gin Kings sina Fil-Am guard Stephen Holt at center Isaac Go na mula sa Terrafirma Dyip kapalit nina Christian Standhardinger at Stanley Pringle.
Si resident import Justin Brownlee ang muling isasabak ng Ginebra sa PBA Season 49 Governors’ Cup.
Ang iba pang reinforcement ay sina Allen Durham ng Meralco, Tauras Jogela ng San Miguel, Aaron Fuller ng Rain or Shine, Darius Days ng TNT Tropang Giga, Glenn Robinson III ng Magnolia, Jayveous McKinnis ng Phoenix, Myke Henry ng NLEX, Brandon Edwards ng Terrafirma, Taylor Johns ng NorthPort, Scotty Hopson ng Converge at Ricky Ledo ng Blackwater.
- Latest