Dutch netter ‘di nakaporma kay Eala

MANILA, Philippines — Lumalapit sa asam na korona si tennis sensation Alex Eala matapos nitong patalsikin si Dutch bet Lian Tran sa Round of 32 ng singles W100 Vitoria-Gasteiz sa Spain kahapon.

Ipinakita ni Eala, ang Philippine Sportswriters Association, (PSA) awardee ang kanyang husay nang itarak nito ang 6-4, 6-2 panalo kontra Tran at makakuha ng spot sa Round of 16.

Hindi lang sa singles event papalo ang 19-year-old na si Eala, hahataw din ito sa doubles.

Tumagal ng 70 minuto bago tinalo ni Eala ang kalaban.

Nabura ang 5-2 lead ni Eala kung saan nagtala pa ito ng double faults, pero naging matatag ito para maitakas ang panalo.

Sunod na makakalaban ni Eala si home bet Lucia Cortez Llorca sa Round of 16 Huwebes ng gabi (Manila time).

Pagkatapos ay naka­takda rin humataw si Eala sa doubles kung saan ma­ki­ki­pagtambal siya kay French netterr Estelle Cascino katapat sina Laura Mair at Victoria Bervid.

Samantala, naka-abang naman ang mga tagaha­ngang Pinoy ni Eala para suportahan ang Pinay sa kanyang laban.

Show comments