^

PM Sports

Palaro basketball crown nabawi ng NCR

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines —  Malakas na puwersa ang inilatag ng National Capital Region (NCR) upang pagharian ang se­condary boys basketball sa Palarong Pambansa kahapon sa University of San Carlos Gym sa Cebu City.

Nagsumite ang Big City cagers ng impresibong 86-71 panalo laban sa Central Luzon sa finals upang mabawi ang kampeonato.

Magandang resbak ito para sa NCR na natalo sa Central Visayas sa finals noong nakaraang taon sa Marikina City dahilan para magkasya lamang ito sa pilak na medalya.

Kinatawan ng NCR ang pambato ng National University Nazareth School na agad na nagpasabog ng malakas na puwersa sa first half para tambakan ang Central Luzon na binabanderahan ng St. Agustin Institute of Pampanga.

“Sobrang saya na mabawi yung crown. Last year natalo kami sa finals sa home court namin (NCR) against Central Visayas. Ngayon nabawi namin yung crown sa Cebu (Central Visayas),” ani NU coach Leo Pujante.

Solidong laro ang ipi­namalas ng Bullpups na pinamunuan ni Timothy Matias, na anak ni dating PBA star Ronnie Matias nang magtala ito ng 16 puntos.

Si Matias ang itinanghal na tournament MVP.

Sa boys elementary division, wagi ang Western Visayas sa Central Luzon, 54-49, para makuha ang gintong medalya.

vuukle comment

NCR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with