Luka, Giannis magtutuos sa semis ng OQT

GREECE — Nagtala si Luka Doncic ng triple-double na 36 points, 11 rebounds at 10 assists para igiya ang Slovenia sa 104-78 pagsibak sa New Zealand at makakuha ng semifinal spot sa Olympic qualifying tournament dito sa Piraeus.

Nagdagdag si Josh Nebo ng 20 points at 10 rebounds para sa mga Slovenians.

Lalabanan ng Slovenia ang host Greece na binabanderahan ni NBA All-Star Giannis Antetokounmpo.

Ang mananalo ang aabante sa finals klkung saan nakataya ang tiket para sa 2024 Paris Olympics.

Bagama’t hindi nag­laro si Antetokounmpo ay tinalo pa rin ng Greece ang Egypt, 93-71, patungo sa semis.

Umiskor sina Konstantinos Mitoglou at Georgios Papagiannis ng tig-16 points para sa Greece.

Show comments