Sweden vs Belgium sa Challenger Cup opener

MANILA, Philippines — Bubuksan ngayon ang 2024 FIVB Women’s Volleyball Challenger Cup tam­pok ang pagtutuos ng Swe­den at Belgium sa Ni­noy Aquino Stadium sa Ma­late, Manila.

Sa alas-5 ng hapon mag­tatapat ang Sweden, nag­reyna sa nakaraang European Golden League sa Ostrava, at Belgium matapos ang laban ng Puerto Rico at Kenya sa alas-3 ng hapon sa torneong inor­ganisa ng Philippine Natio­nal Volleyball Federation (PNVF) sa pamumuno ni Ramon “Tats” Suzara.

Ipaparada ng Sweden si European Golden League Most Valuable Player Isa­belle Haak kontra sa Belgium na tinalo ang Romania via straight sets para sa bronze medal ng torneo.

Sina star outside hitter Britt Herbots at middle blocker Silke Van Averma­et ang isasalang ng Belgium.

Bukas nakatakdang maglaro ang Alas Pilipinas at Viertnam sa alas-6:30 ng gabi.

Magkikita ang Czech Re­public at Argentina sa alas-3 ng hapon.

Ang FIVB Women’s Volleyball Challenger Cup ay isang knockout tournament na nagtatampok sa walong koponan mula sa li­mang continental confederations na maglalaban para sa tiket sa elite FIVB Volleyball Nations League sa 2025.

Ang mga mananalo sa knockout quarterfinals ang papasok sa knockout semifinals.

Show comments