Mitchell ‘di aalis sa Cavs

CLEVELAND — Ma­na­natili si All-Star guard Donovan Mitchell sa Cavaliers matapos pumayag na pirmahan ang isang three-year, $150.3 million maximum contract extension.

Kasama sa kontrata ang player option para sa 2027-28 season na magbibigay kay Mitchell ng tsansa sa 10-year service criteria ng NBA para humingi ng isang five-year extension sa 2027 na nagkakahalaga ng higit sa $380 million.

Matapos mahugot mula sa Utah Jazz sa isang trade deadline dalawang taon na ang nakakalipas ay naka­pasok ang Cleveland sa da­lawang sunod na playoff appearances kasama ang pag-abante sa Eastern Conference semifinals sa nakaraang season.

Bumanat ang 27-anyos na si Mitchell ng average na 26.6 points sa 2023-24 season.

Sa Orlando, magba­ba­lik si free agent center Mo­ritz Wagner sa Magic sa isang two-year, $22 million deal at pumayag si forward Jonathan Isaac sa five-year, $84 million contract.

Sa Indianapolis, lalagda si free agent center James Wiseman sa isang two-year contract sa Indiana Pacers.

Sa Boston, nagkasundo si Xavier Tillman at ang nag­dedepensang Boston Celtics sa isang two-year deal.

Show comments