LOS ANGELES — Hindi ginamit ni LeBron James ang $51.4 milyon sa kanyang final year sa Lakers para maging isang free agent.
Ngunit inaasahang hihingi ang four-time NBA champion ng potential maximum three-year deal na $162 milyon sa Lakers at makagawa ng kasaysayan kasama ang anak na si Bronny James.
Ang 19-anyos na si Bronny James ang pinili ng Lakers bilang No. 55 sa kabuuang 58 picks sa nakaraang NBA Draft.
Sina LeBron at Bronny James ang posibleng maging kauna-unahang father-son duo sa NBA.
Sinabi ng Lakers na magsusuot si Bronny James ng No. 9 jersey at ilalagay ang “James Jr.” sa kanyang uniporme.
Nagposte si James, magiging 40-anyos sa Disyembre, ng mga averages na 25.7 points, 8.3 assists at 7.3 rebounds game para sa Lakers sa nakaraang season.