Pacquiao kaya pang makipagsabayan

MANILA, Philippines — Kayang kaya pa ni dating world champion Manny Pacquiao na makipagsabayan sa matitikas na boxers sa isang regular na professional fight.

Naniniwala si World Boxing Council (WBC) president Mauricio Sulaiman na may asim pa si Pacquiao matapos mapag-alaman na target nitong makaharap si WBC welterweight champion Mario Barrios.

Sinabi ni Sulaiman na wala pang pormal na kahilingan si Pacquiao para makalaban si Barrios.

Kailangan ni Pacquiao na magsumite ng request sa WBC upang pahintulutan itong makalaban si Barrios.

“Pacquiao is a legen­dary boxer and without a doubt, he still has the attributes to get into the ring,” ani Sulaiman sa isang pa­nayam ng WBN.

Pasado si Pacquiao sa medial exams para sa kanyang exhibitin match laban kay Chihiro Suzuki sa Hul­yo 28 sa Saitama Super Arena sa Saitama, Japan.

“He has passed his medical exams for a July 28 exhibition in Japan. He has great quality and is also of a historical level in bo­xing,” ani Sulaiman.

Kita sa pangangata­wan ni Pacquiao na nasa magandang kundisyon ito.

Hindi mababakas ang anumang pagtaas sa timbang dahil madalas itong nakikitang nagwo-workout kahit wala itong laban para mapanatili ang kundisyon nito.

Kung matutuloy ang laban, target itong maisaga­wa sa huling bahagi ng taon.

Sa ngayon, tututukan muna ni Pacquiao ang exhibition match nito kontra sa Japanese MMA fighter.

Show comments