Pagsabak ng Team Philippines sa Paris Games ipapalabas ng MVP Group
MANILA, Philippines — Bilang serbisyo sa bansa ay nagbuklod ang Manny V. Pangilinan Group of Companies—Cignal TV, Smart, PLDT, Meralco, mWell at MediaQuest—para ipalabas ang kampanya ng Paris Olympics-bound Philippine team sa mga Filipino fans.
“The DNA of this group, the MVP group of companies is really sports,” ani Cignal TV channel management head Sienna Olaso kahapon sa media briefer sa Cignal office sa Mandaluyong City.
“Nasa puso ng MVP group of companies pagdadala ng greatest sporting events in the world,” dagdag nito.
Dumalo rin sa presscon sina Cignal TV chief revenue officer Gerald Milan, Smart senior vice president Kristine Go at MVP Sports head of marketing Jude Turcuato ng PLDT at Smart.
Libreng matutunghayan ng mga Pinoy fans ang greatest sports show sa buong mundo sa TV5, RPTV at sa iba pang platforms kagaya ng Smart Sports, Puso Pilipinas social media pages at maski sa PLDT kung ikaway isang subscriber.
Para sa mga premium subscribers, ipapalabas ito sa Cignal at sa dalawang pay-per-view ng pop-up channels.
Ipinakita ng MVP Group of Companies ang kanilang commitment sa pagbibigay ng full coverage ng ilang major international sporting spectacles kagaya ng nakaraang FIBA World Cup na idinaos sa bansa at ang 2021 Tokyo Games kung saan binuhat ni weightlifter Hidilyn Diaz ang kauna-unahang Olympic gold medal ng bansa.
- Latest