Good omen?
Mahirap idiskusyon na ang 19-strong Philippine contingent sa 2011 Tokyo Olympics ang pinakamalakas na delegasyon na naipadala ng bansa sa quadrennial summer games.
Pero hindi ako magugulat kung lumabas na mas malakas at mas matibay pa ang Philippine team na sasabak sa nalalapit na Paris Games.
Maaaring ito ang peak year ni gymnast Carlos Yulo, puwedeng masilat ni EJ Obiena si pole vault superstar Mondo Duplantis at nakabuo ang boxing ng Lethal Five na isasampa sa square ring sa French capital.
May pruweba na sina Nesthy Petecio, Carlo Paalam at Eumir Marcial at malamang na magpasiklab rin sina Hergie Bacyadan at Aira Villegas.
Mayroon din tayong panlaban sa rowing, weightlifting at fencing. At maaaring madagdagan pa ang kasalukuyang 15-man Philippine cast.
Kumikinang ang posibilidad na panibagong multi-medal haul para sa bansa – susunod sa one-gold, two-silver, one-bronze harvest sa Tokyo.
At hindi malabo ang tsansang lagpasan ang one-gold breakthrough na nai-deliver ni weightlifter Hidilyn Diaz.
Matatandaang championship ni Yuka Saso sa 2021 US Women’s Open ang nag-usher in sa Tokyo sizzler ng bansa.
At eto na naman si Yuka na muling humugot ng US Women’s Open crown na mahigit isang buwan na lang bago sumipa ang Olympic Games sa Paris.
Good omen? Sana nga!!!
- Latest