^

PM Sports

NU puntirya ang finals berth kontra FEU

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ibabangga ng 2023 runner-up National University sina Alyssa Solomon, Bella Belen at Vange Alinsug para tapusin at masungkit kaagad ang panalo sa pagharap sa Far Eastern University sa Final Four ng UAAP Season 86 women’s volleyball tournament ngayong hapon sa Smart Araneta Coliseum.

Dahil may tangan na ‘twice-to-beat’ incentive ang top seed sa elimination round, isang beses lang kakatayin ng Lady Bulldogs ang Lady Tamaraws.

“Kapag narinig kasi ‘yung twice-to-beat, parang nakakagaan siya sa pakiramdam ng mga pla­yers. Pero iyon nga, hindi da­pat kami umabot sa puntong magagamit namin ‘yung twice-to-beat,” wika ni Belen.

Inilista ng NU ang 12-2 karta at nasa tuktok sila ng team standings kung saan ay mabibiyayaan ng bo­nus ang top two teams pagkatapos ng 14-game eliminations.

Nasikwat ng University of Santo Tomas ang isang insentibo matapos lumanding sa No. 2 sa elims at lalabanan nila ang nagdedepensang La Salle sa semis.

Liyamado sa laban ang NU dahil tinalo nila ang FEU sa first at second round ng elims.

Magsisimula ang ka­nilang paluan sa alas-4 ng hapon.

Noong Miyerkules ay winalis ng Lady Bulldogs ang Lady Tams sa tatlong sets matapos magsanib-puwersa sina Solomon, Belen at Alinsug na nagtala ng 13, 12 at 11 markers, ayon sa pagkakasunod.

Mainit na team ang NU dahil sa pagwalis ng lahat ng nakatunggali sa second round kaya tiyak na kakapitan din nila ang momentum.

Tiyak naman na hindi magre-relax ang Lady Bullodgs sapagkat alam nilang may bangis ang Lady Tamaraws.

Sasandalan ng FEU ang mga tigasin nilang attackers na sina Faida Bakanke, Chenie Tagaod at Gerzel Petallo.

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with