Pro, collegiate standouts inimbitahan ng PNVF

MANILA, Philippines — Pinaghalong professionat at collegiate players ang ikinakasa ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) para isabak sa mga international tournaments.

Bumabandera sa lista­han ang pangalan ni outside hitter Bryan Bagunas na pinakabeterano sa lahat at may malalim na karanasan sa international plays.

Kasama rin ang kapwa beterano nitong si Marck Espejo na nakapaglaro na rin bilang import sa iba’t ibang torneo kabilang na sa Japan, South Korea at Bahrain.

Inimbitahan din sina JP Bugaoan, Kim Malabu­nga, Jau Umandal, Louie Ramirez, Marck Calado, Adrian Villados, Lloyd Josafat at Vince Lorenzo.

Hinugot din ng PNVF para maging bahagi ng national pool sina UAAP Best Setter Joshua Retamar at Rookie-MVP Josh Ybanez gayundin sina Nico Almendras, Jade Disquitado, Rwenzmel Tagui­bulos, Choi Diao, Sherwin Umandal, Noel Kampton at Menard Guerrero.

Isa sa paghahandaan ng Pinoy squad ang prestihiyosong FIVB Men’s World Championships na idaraos sa Setyembre sa susunod na taon sa bansa.

Makakalaban ng Pilipinas sa naturang torneo ang pinakamahuhusay na koponan sa buong mundo kabilang na ang world No. 1 Poland, powerhouse Brazil, USA at Japan.

Gagabayan ang tropa ni Brazilian mentor Sergio Veloso kasama sina local coaches Dante Alinsunurin at Odjie Mamon. 

Show comments