^

PM Sports

Jungkook pinahanga ang mga karerista

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mainitang bakbakan ang nasilayan ng mga karerista sa rektahan matapos manalo ng Jungkook sa 2024 PHILRACOM “Chairman’s Cup” stakes race na nilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas noong Linggo ng gabi.

Mahigpit ang naging labanan ng Jungkook at nag-uumentong Don Julio sa rektahan kaya naman dumagundong sa ingay sa karerahan habang nagtatagisan ng bilis ang dalawang nabanggit na kabayo.

Kumaripas muna sa largahan ang Boss Emong pero makailang metro ang nakalipas ay kumuha ng bandera ang Jaguar na ginabayan ni star jockey Jeffril Tagulao Zarate.

Pagkarating sa kalagitnaan ng karera ay tatlong kabayo ang lamang ng two-leg triple crown winner, Jaguar kay former Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Horse of the Year awardee Boss Emong habang tersero ang Don Julio at pang-apat ang Jungkook.

Papalapit ng far turn ay inagaw na ng Don Julio ang unahan at nakasunod agad ang Jungkook na sinakyan ni veteran jockey Mark Angelo Alvarez.

Dikdikan ang labanan at sa huling 25 metro ng karera ay lumampas ang Jungkook at tinawid nito ang meta ng may isang kabayo na lamang sa puma­ngalawang Don Julio.

Nilista ng Jungkook ang tiyempong 2:06. 8 minuto sa 2,000 meter race sapat upang hamigin ni  Tisha Sevilla ang P1,08,000 premyo.

 

vuukle comment

PHILRACOM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with