Down-to-the-wire race

Maagang natapos ang labanan para sa twice-to-beat incentive sa PBA Philippine Cup quarterfinals dahil umalagwa ang San Miguel Beer (9-0) at Barangay Ginebra (7-3) upang sungkitin ang Top 2.

Eliminated na ang Phoenix Super LPG (3-7) at Converge (1-9) at naiwang dikit-dikit sa gitna ng team standings ang iba pang koponan.

Sa final week ng elimination round, rambol ang NLEX (5-4), Magnolia (5-4), TNT (5-4), Rain or Shine (5-5), Meralco (5-5), Terrafirma (5-5), NorthPort (5-6) at Blackwater (3-6) para sa anim na natitirang puwesto sa quarterfinals.

Kasama sa labanan ang pag-iwas sa No. 7 at No. 8 spots o ang pag-iwas sa quarters matchup kontra twice-to-beat teams San Miguel at Ginebra.

Walang magaang na laban lalo na ang kinakaharap ng Blackwater – San Miguel sa Miyerkules at Phoenix sa Sabado.

Maaaring eliminated na rin sina Troy Rosario at teammates sa oras na laruin nila ang kanilang elims closing game kontra Fuel Masters.

Bastante na sa 5-6 ang NorthPort. Naghihintay na lang sila ng katabla sa parehong posisyon para sa playoff o maaari pa rin outright quarters entry dahil sa superior quotient.

Pero malamang na hanggang sa pagtatapos pa ng elims sa Linggo magkakaalaman para sa final placings.

Mad dash to the finish ang nakikita sa karera ng NLEX, Magnolia, TNT, ROS, Meralco at Terrafirma.

Uusok ng alikabok!

 

Show comments