^

PM Sports

Dyip umaarangkada

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Kung hindi matatalisod, maaabot ng Terrafirma Dyip ang playoffs sa PBA Season 48 Philippine Cup.

Pagkatapos gulantangin ang Barangay Ginebra, 91-85, noong nakaraang gabi sa Ninoy Aquino Stadium, umusad ang Dyip sa fourth spot tangan ang 4-3 win-loss card. Dahil dito, halos naituntong na nila ang kanilang isang paa sa quarterfinals.

“We’re down to four games, and we’re hoping to win at least two to make the quarters,” ani coach Johnedel Cardel, umaasang maihatid ang koponan sa conference stage na isang beses pa lang nilang narating sa kabuuan ng franchise history.

“It’s about playing for each other and playing for our coaches. It’s really a collective effort,” ani shooter Javi Gomez De Liano sa kanilang breakthrough run.

Ang siste, hindi magaan ang huling apat na laro na kanilang lalaruin — San Miguel Beer, Rain or Shine, NorthPort at Magnolia.

Pawang nasa ratsada ang mga Beermen, Elasto Painters at Batang Pier.

Hindi maganda ang conference start ng Hotshots, pero hindi puwedeng sinu-sinohin ang koponan ni coach Chito Victolero.

Pero kumpiyansa si Cardel na nakabuo na sila ng koponan na yumakap sa kanilang sistema at handang mag-compete laban sa kahit ano mang koponan.

Walang dudang ma­laki ang ambag ni do-it-all guy Stephen Holt at malaking susi rin ang maagang pagkahinog ng iba pang youth guys ni Cardel.

At swak sila sa isa’t isa.

TERRAFIRMA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with