Senshi Spirit pinasaya ang bayang karerista

MANILA, Philippines — Nagwagi ng banderang tapos ang Senshi Spirit sa naganap na PHILRACOM Rating Based handicapping System na nilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas noong Sabado.

Ginabayan ni former PSA Jockey of the Year awardee Jonathan Basco Hernandez ang Senshi Spirit na humarurot agad paglabas ng aparato.

Hinawakan muna ng Senshi Spirit ang kalaha­ting kabayong bentahe sa pumapangalawang Euroclydon pero pagsapit sa kalagitnaan ng karera ay unit-unti na itong lumalayo.

At pagdating ng huling kurbada ay nasa tatlong kabayo na ang lamang ng winning horse.

Umabot sa five lengths ang agwat ng Senshi Spirit sa rektahan kaya magaan nitong tinawid ang meta ng may anim na kabayo sa sumegundong Platinum Frolic.

Nirehistro ng Senshi Spirit ang tiyempong 1:25 minuto sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ng winnning horse owner na si AV Tan ang P11,000 added prize.

Show comments