MANILA, Philippines — Umabante si Rogen Ladon sa quarterfinal round matapos ang second-round knockout win kay Said Mortaji ng Morocco sa World Qualification Tournament sa Busto Arsizio, Italy.
Haharapin ni Ladon sa Round of 16 ng men’s 51 kilogram division si Kiaran MacDonald ng Great Britain.
Nagposte si MacDonald ng isang referee-stopped-contest (RSC) kontra kay Trinidad and Tobago bet Al Jaleel Ortega Jokhu.
Swak naman si Fil-English John Marvin sa Round of 32 matapos biguin si Pouria Amiri ng Iran via RSC sa men’s 92kg class.
Lalabanan ni Marvin si Kevin Prudence Lonlon Ko Kuadjovi ng Togo na nakakuha ng opening round bye.
Samantala, talsik sa kontensyon si Pinay warrior Hergie Bacyadan sa women’s 75kg makaraan ang mapait na 2-3 split decision loss kay Viviane Pereira ng Brazil sa first round.
Nauna nang nasibak si Riza Pasuit sa first round ng women’s 60kg.