Training ground lang
Sorpresang agad nakapag-paandar ang Blackwater at Terrafirma at sorpresa ring pinagsaluhan ang maagang pamumuno sa 2024 PBA Philippine Cup.
Mas nakakagulat ang conference start ng mga Bossing – dalawang sunod na upset wins kontra Meralco, 96-93, at TNT Tropang Giga, 87-76.
At hindi rin naman matatawaran ang simula ng mga Dyip – 107-99 panalo kontra Converge na sinundan nila ng 99-95 decision laban sa NLEX.
Malaking boost ang dala ni new acquisition Rey Nambatac sa Blackwater, samantalang ang magandang tambalan nina Juami Tiongson, Stephen Holt, JP Calvo at Javi Gomez de Liano ang malaking susi sa Terrafirma.
Siyempre, mas maganda sa liga kung maipagpapatuloy nila ang kanilang competitiveness at makatulong sa pagpapataas ng excitement ng PBA games.
Ganoon pa man, inaasahan pa rin na ang mga traditional powers ang maglalaban-laban sa itaas sa bandang huli.
Ito ay hindi magbabago hanggang hindi gumagawa ang liga ng measures na pipigil sa pagdaloy ng mga star players sa dalawang major blocs.
Ang sabi: rich becomes richer, poor becomes poorer.
Training teams ang maraming independent teams. Once na makita ang magandang kalibre ng player, darating ang trade deals na magdadala sa kanila sa mga powerhouse teams.
- Latest