MANILA, Philippines — Todo na sa paghahanda si World champion Chezka Centeno para sa nalalapit na pagtumbok Predator Pro Billiard Series Women’s Showdown event na lalaruin sa Rio All-Suite Hotel and Casino sa Las Vegas sa Pebrero 22 hanggang 24.
Kasama si Centeno sa naimbitahang tumumbok sa Las Vegas Open Women bilang parte ng CueSports International Expo.
Umugong ang pangalan ni Centeno matapos nitong magkampeon sa World 10-Ball Women’s title na ginanap sa Austria nakaraang taong .
Bukod kay Centeno, kabilang sa naanyayahang lumaro ay ang reigning WPA World 9-Ball Women’s Champion na si Chou Chieh-Yu ng China.
Sina British bet Kelly Fisher at Allison Fisher, Kristina Zlateva ng Bulgaria at Austrian Jasmin Ouschan ang mga European players na kabilang sa natapik para tumumbok, world No.7, Australia cue master Bean (Meng-Hsia) Hung at Chen Chia Hua (Chinese Taipei).
Ipatutupad sa Women’s Showdown ang round-robin group stage, bawat group ay may kasaling dalawang seeded players mula sa WPA top eight at dalawang invited players.
Mag ma-martsa sa single eliminations ang best two players sa bawat grupo.
May nakalaang $100,000 guaranteed prize kung saan ay ibubulsa ng mananalong tumbukera ang $18,000 habang $10,500 sa second placer.
Ang ibang kasali ay sina Brittany “The Bombshell” Bryant ng Canada, Chihiro kawahara ng Japan, Diana Coronado ng Spain, Dori De Leon ng USA, Ellanor Callado at Emilyn Callado na parehong taga America.