MANILA, Philippines — Kaliwa’t kanan ang tribute na ibinibigay kay PBA legend Samboy Lim matapos itong pumanaw ilang araw bago ang Pasko.
Sinariwa ng ilang kilalang personalida ang mabubuting halimbawa ni Lim sa mga dati at kasalukuyang atletang Pinoy.
Inalala ng ilang personalidad at grupo ang kanilang naging karanasan kasama ang tinaguriang Skywalker.
Walang maibigay na salita sa ngayon ang anak nitong si national karate team member Jamie Lim na nag-post lamang ng larawan nilang dalawa kasama ang heart emoji.
Ilang atleta ang nag-iwan ng mensahe kabilang na si Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz.
May mensahe rin ang ilang naging teammates ni Samboy sa PBA.
“RIP to my former teammate, Avelino ‘Samboy’ Lim. It was an honor to play with you in the (Philippine Basketball League). Thank you for paving the way for guys like me,” ani dating PBA player Don Allado.
Inspirasyon naman ni dating De La Salle University standout at PBA guard Mac Cardona si Samboy na isa sa dahilan ng paglalaro nito ng basketball.
“The reason kung bakit ako nag-basketball. Rest in peace my idol Samboy Lim! You will never be forgotten,” wika ni Cardona.