^

PM Sports

Walang kukurap

Nilda Moreno - Pang-masa
Walang kukurap
Evan Nelle at JD Cagulangan

DLSU at UP nakatutok sa UAAP Crown

MANILA, Philippines — Tiyak na umaatikabong bak­bakan ang masisilayan ng mga fans sa salpukan ng University of the Philippines at De La Salle University sa ‘do-or-die’ Game Three ng UAAP Season 86 men’s basketball championships sa Smart Araneta Coliseum.

Kakapitan ng Green Archers sa opensa si Francis Escandor na naniniwalang mainit at pahirapan ang magi­ging bakbakan nila ng Figh­ting Maroons ngayong alas-6 ng gabi.

Atat nang maglaro muli ni Escandor para tapusin ang serye at iuwi ng La Salle ang korona sa Taft.

Pero hindi iyon magiging madali.

“I’m very, very eager but then again, it’s not gonna be an easy fight. For sure, UP’s gonna come out all guns bla­zing and for sure it’s gonna be a dog fight,” wika ni Escandor na makakatuwang din sina MVP Kevin Quiambao at Evan Nelle.

Nabulaga ang mga DLSU fans sa ipinakitang performance ni Escandor nang talunin nila ang Fighting Maroons, 82-60, sa Game Two noong Linggo.

Pinamunuan ng 24-anyos na si Escandor ang opensa para sa La Salle matapos magtala ng 14 points mula sa 4-of-5 field goal shooting.

“We’re not going to go down this way.” wika ni E­scandor. “We really wanted to win.”

Samantala, walang dudang nagpaplano ang Figh­ting Maroons para maibalik sa kanilang bakuran ang ko­rona.

“We’re gonna look inside us kung anong dapat naming ginawa,” wika ni UP coach Goldwin Monteverde. “Ang importante rito may Game Three pa so nandoon pa iyong tsansa namin.”

Sina CJ Cansino, Harold Alarcon, JD Cagulangan, Francis Lopez at Malick Diouf ang muling aasahan ng Fighting Maroons.

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with