^

PM Sports

UAAP title mas importante kay Quiambao

Chris Co - Pang-masa
UAAP title mas importante kay Quiambao
Binutata ni UAAP MVP Kevin Quiambao ng La Salle ang tira ni Mark Belmonte ng UP sa Game 2.

MANILA, Philippines — Pormal nang iginawad kay Kevin Quiambao ng De La Salle University ang MVP award para sa UAAP Season 86 men’s basketball tournament.

Subalit hindi pa tapos ang kanyang misyon.

Mas importante para kay Quiambao na makuha ng kanilang tropa ang kampeonato sa oras na makasagupa ng La Salle ang University of the Philippines sa Game 3 ng best-of-three championship series bukas.

Mas importante kay Quiambao ang korona kesa sa MVP award.

Kaya naman ibubuhos nito ang lahat para masiguro na matutulungan nito ang Green Archers sa tangkang maibalik ang titulo sa kanilang teritoryo.

“I’m really happy that I won the MVP award but my main goal is to win the championship,” ani Quiambao.

Si Quiambao ang unang Pinoy player na nakasungkit ng MVP award sapul noong 2015 nang manalo si da­ting Ateneo standout Kiefer Ravena.

“I wasn’t experiencing what they call MVP jitters, I wasn’t thinking about that. I was just focused on Game Two and I told myself that we can’t afford to lose this game. We were beating each other up during our previous practices. It was like tough love,” ani Quiambao.

Subalit hindi ito ma­gagawa ni Quiambao ng mag-isa.  Kailangan nito ng suporta mula sa kanyang teammates.

Kabilang na rito sina Mythical Team member Evan Nelle, Francis Escandor at Joshua David na maganda ang inilaro sa Game 2.

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with