Gazz Angels puwede pa sa semis

Naglista si Marian B­uitre ng 22 points mula sa 16 attacks, 4 blocks at 2 service aces para igiya ang Gazz Angels sa 6-4 record at buhayin ang pag-asa sa semifinals berth.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Dumiretso ang Petro Gazz sa ikalawang sunod na panalo matapos takasan ang Akari, 25-18, 17-25, 25-22, 32-30, sa Premier Volleyball League (PVL) 2nd All-Filipino Confe­rence kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Naglista si Marian B­uitre ng 22 points mula sa 16 attacks, 4 blocks at 2 service aces para igiya ang Gazz Angels sa 6-4 record at buhayin ang pag-asa sa semifinals berth.

“Medyo overwhel­ming kasi tapos na dapat pero nag-extend pa,” sabi ni Buitre. “Hindi rin kasi ibinigay ng Akari sa amin kaya overwhelming siya. Pero mostly masaya kasi may chance pa sa semis.”

Nag-ambag si Aiza Pontillas ng 19 markers.

Nasibak naman ang Chargers sa 5-5 marka.

Sa unang laro, pina­lakas ng Cignal HD ang tsansa sa semis matapos dominahin ang Nxled, 25-17, 25-14, 25-14, para sa 7-3 kartada.

Pumalo si Jovs Gonzaga ng 12 points mula sa 9 attacks at 3 blocks  para sa HD Spikers na nakahugot din ng tig-12 markers kina Vanie Gandler at Rose Doria.

Umiskor sina Lycha Ebon, May Luna at Camil­le Victoria ng tig-6 points sa panig ng Nxled na lag­lag sa 3-6 marka.

Show comments