Lady Falcons hahamunin ang Lady Bulldogs sa semis

Shakey’s Super League

MANILA, Philippines — Muling umabante sa Final Four ang Adamson University matapos patalsikin ang Arellano University, 25-21, 25-18, 25-15, sa kanilang quarterfinals match sa Shakey’ Super League (SSL) Collegiate Pre-Season Championship kamakalawa sa Rizal Memorial Coliseum sa Manila.

Humataw si Maria Rochelle Lalongisip ng 8 points at may 7, 6 at 5 markers sina Juegos, Jen Villegas, Antonette Adolfo, Lucille Almonte, Lorence Toring at Jimy Jean Jamili, ayon sa pagkakasunod.

“We’re so happy and grateful na nakapasok po kami sa semis. Nakabawi po kami at naibigay po namin ‘yung best as a team,” ani Juegos sa Lady Falcons na pumangatlo sa inaugural season.

Hahamunin ng A­dam­son sa Final Four ang reig­ning champion at undefeated National University.

Nauna nang sinibak ng Lady Bulldogs ang University of the East Lady Warriors, 25-19, 25-21, 25-23, sa kanilang quarterfinals duel.

Nasa Final Four na rin ang Far Eastern University matapos talunin ang A­teneo, 25-19, 25-18, 25-18, para sa kanilang knockout semis match ng sinuman sa NCAA champion College of St. Benilde o University of Santo Tomas.

Pumuwersa ang Lady Blazers ng ‘do-or-die’ matapos igupo ang Tigresses, 25-22, 23-25, 18-25, 25-23, 15-11.

Show comments