^

PM Sports

Maagang pamasko sa mga SEAG medalists

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matatanggap na ng 247 national athletes na kumo­lekta ng medalya sa nakalipas na 22nd Southeast Asian Games sa Cambodia ang kanilang cash bonus.

Nakatakdang ibigay sa Huwebes sa mga SEA Games medalist ang kanilang cash incentive sa Malacañang Palace na inaasahang dadaluhan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Nag-uwi ang mga Pinoy athletes ng kabuuang 58 gold, 85 silver at 117 bronze medals para sa fifth-place finish sa overall standings ng 2023 Cambodia SEA Games.

Nagdomina ang Vietnam sa biennial event sa kanilang kinolektang 136 golds, 105 silvers at 118 bronzes.

Base sa Expanded Incentives Act o Republic Act 10699, ang gold medalist sa SEA Games ay bibigyan ng P300,000 habang P150,000 at P60,000 ang ibibigay sa silver at bronze medalist, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, pinuri ng Pioneer Insurance ang nasabing mga SEAG medal winners sa kanilang opisina sa p­angunguna nina Pioneer Insurance President at CEO Atty. Betty Medialdea at Group Head Lorenzo Chan.

Bilang insentibo ay dinoble ng Pioneer Insurance ang pagbibigay ng proteksyon sa mga SEA Games medalist hanggang sa Hunyo ng 2024.

“Our company has been a staunch sports supporter win or lose,” wika ni Chan.

Dinala ng Philippine Sports Commission (PSC) sa Pioneer Insurance office ang 25 atleta na kumatawan sa 247 SEA Games medalists sa pamumuno ni Tokyo Olympic silver medalist Nesthy Petecio.

Ikinatuwa ni PSC Commissioner Bong Coo, kuma­tawan kay PSC chairman Richard Bachmann, ang pakikipagtulungan ng Pioneer insurance sa pagbibigay ng financial education sa mga national athletes.

SEAG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with