Orange Bell, Sky Story kikilatisin sa 3YO Locally Bred
MANILA, Philippines — Lalahok ang Orange Bell at Sky Story sa 2023 PHILRACOM “3-Year-Old Locally Bred Stakes race” na pakakawalan sa darating na Sabado sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.
Makakatagisan ng bilis ng Orange Bell at Sky Story ang 10 pang tigasing kabayo na naghayag ng pagsali sa distansyang 1,600 meter race.
Nakalaan ang P1M garantisadong premyo na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa finish line, ang ibang kasali ay ang Cash On Hand, Domsat Seven, Easy Way, Glamour Girle, I Under Oath, Keep The Trick, Light Bearer, Melania, Mill Run, Prime Billing at Secretary.
Sasakyan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA), Jockey of the Year awardee Jonathan Basco Hernandez ang Orange Bell habang si Conrad Henson ang rerenda sa Sky Story.
Mag-uuwi ang mananalong kabayo ng P600,000 premyo, mapupunta ang P200,000 sa pangalawa habang P100,000 ang kukubrahin ng tersero.
- Latest