Cavs nakalusot sa Nets

NEW YORK, Philippines — Isinalpak ni Isaac Okoro ang isang three-pointer sa na­titirang 0.7 segundo para itakas ang Cleveland Ca­valiers laban sa Brooklyn Nets, 116-114.

Tumapos si Okoro na may 11 points para ilapit ang Cavaliers (47-28) sa unang playoff berth sapul noong 2018 mula sa kanilang two-game sweep sa Nets (39-34).

Umiskor si guard Do­novan Mitchell ng 31 points, habang nagposte si center Evan Mobley ng 26 points at 16 rebounds para sa Cleveland na tinalo ang Brooklyn, 115-109, noong Martes.

Kumamada si Mikal Bridges ng 32 points sa pa­nig ng Nets na nakahu­got kina Spencer Dinwid­die at Joe Harris ng 15 at 15 points, ayon sa pagkakasunod.

Naiwanan ang Cavaliers sa 104-112 sa huling 2:13 minuto bago isara ang laro mula sa isang 12-2 bomba.

Ito naman ang pang-li­mang sunod na kamalasan ng Brooklyn.

Sa Orlando, nagpa­sa­bog si rookie Paolo Ban­­chero ng 21 points sa 111-106 pagsapaw ng Ma­gic (31-43) sa New York Knicks (42-33).

Sa Los Angeles, kuma­na si Kawhi Leonard ng 32 points sa 127-105 paggupo ng Clippers (39-35) sa Oklahoma City Thunder (36-37).

Sa New Orleans, hu­ma­­kot si Brandon Ingram ng 30 points, 11 rebounds at 10 assists para sa una ni­yang triple-double sa pitong NBA seasons sa 115-96 panalo ng Pelicans (36-37) laban sa Charlotte Hornets (23-51).

Show comments