MANILA, Philippines — Ang weightlifting at ang panukalang batas para sa karagdagang insentibo sa mga national athletes ang tatalakayin sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ ngayong umaga sa PSC Executive Lounge sa Rizal Memorial Sports Complex.
Ilalahad ni Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP) president Monico Puentevella ang paghahanda ng kanyang mga atleta para sa darating na Southeast Asian Games sa Cambodia sa Mayo.
Tatalakayin naman ni Batangas 1st District Congressman Eric Buhain ang posibleng mga bagong batas na magagamit para sa seguridad at kaunlaran ng lPinoy ang mga isyu sa pang alas-10:30 ng umagang sesyon na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC) at Behrouz Persian Cuisine.
Ang two-time Olympian at Southeast Asian Games swimming record holder ang tanging atleta na naging chairman ng PSC at Games and Amusements Board (GAB) at founder din ng Congress in Philippine Aquatics, Inc. (COPA).
Inaanyayahan ni TOPS president Beth Repizo-Meraña ng PSNgayon/PM Pang Masa ang mga miyembro, opisyal at sports apisyunado na makiisa sa talakayan na mapapanood din via livestreaming sa TOPS Usapang Sports group page sa facebook at sa channel 8 at 45 ng Pinoy Ako (PIKO) mobile aps.