^

PM Sports

Abarrientos, Ulsan kinaldag ang tropa ni Belangel

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dinaig ni RJ Abarrientos ang kaibigang si SJ Belangel matapos ang 76-70 panalo ng Ulsan Hyundai Mobis Phoebus kontra sa Daegu Kogas Pegasus sa Christmas Day game ng Japan B. League.

Umariba si Abarrientos ng 12 points, 3 rebounds at 1 steal upang suportahan ang 14 ni Gauge Prim  para sa Ulsan.

Dahil sa tulong ng dating FEU stalwart ay nasikwat ng Ulsan ang ikalawang sunod na pa­nalo para sa 15-9 kartada at manatiling nakabuntot sa lider na Anyang KGC na may 16-8 baraha.

Nagkasya naman ang dating Ateneo guard na si Belangel sa 3 points, 2 assists at 1 rebound sa 12 minutong aksyon para sa Daegu na lagapak sa ikalimang sunod na kabiguan para sa 10-15 marka sa duwelo nila ng dating kasangga.

Dating magkasama sa Gilas Pilipinas sina Abar­rientos at Belangel bagama’t magkaribal din sa UAAP.

Samantala, yukod naman si Ethan Alvano at ang Wonju DB Promy kay dating PBA import Lester Prosper at sa Suwon KT SonicBoom, 77-64.

Sa Japan B. League, wagi rin si Thirdy Ravena at ang San-en NeoPhoenix, Matthew Wright ng Kyoto Hannaryz at Bobby Ray Parks Jr. ng Nagoya Diamond Dolphins.

Umiskor si Ravena ng 15 points sa 92-79 panalo ng San-en kontra sa Gunma para sa 11-12 kartada habang may 11 points, 7 assists at 4 rebounds si Wright 91-69 panalo nila sa Toyama para sa 8-15 record.

 

RJ ABARRIENTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with