^

PM Sports

‘Mommy Caring’ rarampa sa Sampaguita Stakes Race

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Anim na mahuhusay na kabayo ang nomido sa 2022 PHILRACOM Sampaguita Stakes Race na pakakawalan sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas sa Linggo.

Naglabas ang Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ng listahan sa kanilang facebook page ng mga kasali at isa na rito si Mommy Caring na haharurot sa distansyang 2,000 meter race.

Bukod kay Mommy Caring na pag-aari ni James Anthony Rabano, ang ibang nominado at nagsaad ng paglahok ay sina Isla Puting Bato, O Sole Mio, Cam From Behind, Doktora at La Liga Filipina.

Rerendahan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey-of-the-Year awardee Jessie Basilio Guce si Mommy Caring, nakalaan sa nasabing karera ang P2M guaranteed prize kung saan mga babaeng kabayo lamang ang maaaring sumali.

Suportado ng PHILRACOM sa pamumuno ni chairman Reli De Leon ang karera, susungkitin ng mananalong kabayo ang P1.2M, kukubrahin ng second placer ang P450,000 habang tig P250,000 at P100,000 ang third at fourth ayon sa pagkakasunod.

Mag-uuwi rin ang breeder ng winning horse ng P100,000 habang P60,000 at P40,000 ang second at third.

Nakaraang taon ay si Sky Shot ang nagwagi sa nasabing prestihiyosong karera.

Si Princess Eowyn naman ang nakapagtala ng back-to-back Sampaguita Stakes Race champion noong 2019 at 2020.

vuukle comment

SAMPAGUITA STAKES RACE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with