Matapos ang kanyang mahabang isyu laban sa pamunuan ng PATAFA na pinamumunuan noon ni Philip Ella Juico, nakabalik na si pole vaulter EJ Obiena sa national team.
Kahit pa noong on-going ang issue niya sa PATAFA, laban lang si Obiena upang ipakita na karapat-dapat siya sa team at nanalo nga siya sa World Athletics Championships noong nakaraang buwan sa Eugene, Oregon.
Dahil diyan, siya ang No. 3 sa World rankings kaya deserve niyang maibalik sa national team.
Eh, kaya lang, ano naman itong nangyayari sa Gilas Team at Creamline na parehong sasabak sa malalaking laban.
Palaban na nga ang Gilas dahil lalaro na ulit sa team sina NBA player Jordan Clarkson at Kai Sotto, saka naman nagka-COVID-19 si Japeth Aguilar tapos umatras pa si Ian Sangalang, eh paalis na ang team ngayon papuntang Beirut para sa fourth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers na magbubukas sa Aug. 25.
Eto namang star player ng Creamline na si Alyssa Valdez, nagka-dengue eh, simula na ang laban ng team sa Asian Volleyball Confederation (AVC) Cup na nagbukas kahapon.
Wala rin si Risa Sato dahil sa health and safety protocols.
Pero OK lang ‘yan, Laban lang.