Ritualo bagong coach ng LSGH Junior Blazers

MANILA, Philippines — Hinirang ng La Salle Greenhills Junior Blazers si four-time UAAP champion at dating PBA guard Renren Ritualo Jr. bilang bagong head coach.

Pipilitin ni Ritualo, naglaro para sa La Salle Green Archers sa UAAP tampok ang ‘four-peat noong 1998-2001, na wakasan ang pagkauhaw sa juniors title ng mga Junior Blazers sa NCAA.

Huling nagkampeon ang LSGH junior team sa NCAA noong Season 93. Pinili si Ritualo ng FedEx Express bilang No. 8 overall pick noong 2002 PBA Draft at itinanghal na Rookie of the Year sa nasabing taon.

Kinilala siyang Mr. Qua­lity Minutes noong 2003 at All-Star Three-point Shootout champion noong 2008.

Nagretiro ang anak ni PBA pioneer Florendo Ritualo Sr. noong 2014 para tutukan ang kanilang family business.

Nagbalik siya sa basketball scene at naging assistant ni coach Franz Pumaren sa Adamson Falcons sa UAAP.

Show comments