Artest bilib sa husay ng Pinoy
MANILA, Philippines — Bilib si dating NBA champion Ron Artest-- na ngayon ay mas kilala sa tawag na Metta Sandiford Artest-- sa husay ng mga Pinoy basketball players.
Kaya naman hindi na ito nagulat nang magsimulang dumagsa ang mga Pilipinong naglalaro sa iba’t ibang commercial leagues sa Asya at iba pang bahagi ng mundo.
Kabilang na rito si Kai Sotto na naglaro para sa Adelaide 36ers sa Australia National Basketball League gayundin ang ilang Pinoys na nasa Japan B.League.
May ilan pa na nasa Taiwan at kamakailan lamang ay ilang Pinoy players pa ang pumirma ng kontrata sa commercial basketball league sa South Korea.
“It’s a global sport, so it’s not surprising if you see Filipino players playing elsewhere. The game is continuously evolving,” ani Artest na ambassador ng East Asia Super League.
May anak na Filipino-American si Artest sa ngalan ni Jeron Artest.
Anak ito ni Ron sa Pinay na si Jennifer Palma.
May Philippine passport na si Jeron kaya’t maaari na nitong katawanin ang Pilipinas kung magiging bahagi ito ng national team sa mga susunod na taon.
“I have family here, also. It’s a huge opportunity. My son is half-Filipino. I’ll be back here. Basketball has been great to many other things,” ani Ron.
Masaya si Ron na nagkaroon ito ng pagkakataon na makilala ang Pilipinas at magkaroon ng pamilyang Pinoy.
“Just me being a basketball player, I got introduced to a lady from the Philippines, used to go to school, walking two hours to school, came to America and became a nurse. She put up her own company and I pusher her to make it to the next level,” ani Ron.
- Latest