Juico nagbitiw sa PATAFA

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni Philip Ella Juico ang kan­yang pagbibitiw bilang pangulo ng Philip­pine Athletics Track and Field Association (PA­TAFA) sa kanilang board meeting sa Makati Diamond Residences.

Pinamahalaan ni Juico ang PATAFA simula noong 2014 matapos ang liderato ni Go Teng Kok.

Mas gusto ng 74-an­yos na dating chairman ng Philippine Sports Commission (PSC) na makasama ang kanyang pamilya.

“I am not leaving PATAFA or the sports community, as it is here where my heart lies but for now, I look forward to more family time and an opportunity to concentrate on personal and business interests and ventures and community advocacies,” wika ni Juico.

Sa kabila nito ay ma­na­natili pa rin si Juico sa PATAFA board bilang chairman emeritus.

Si Terry Capistrano ang magpapatuloy sa ter­mi­no ni Juico hanggang sa November ng 2024 matapos ang Paris Olympics.

Show comments