Orcollo ‘di matinag sa No. 1 ng World Money Maker list

Dennis Orcollo.

MANILA, Philippines — Hindi matinag si Dennis Orcollo sa No. 1 spot sa World Money Maker list ng Az Billiards.

Walang makabuwag kay Orcollo na nakapagbulsa ng $166,645 papremyo mula sa 34 events na nilahukan nito.

Tunay na maningning ang taong ito para kay Orcollo na nakasikwat ng 16 titulo.

Sa lahat ng events na sinalihan nito, pinakamalaki ang naiuwi ni Orcollo sa one-on-one showdown nito kay Jayson Shaw ng Amerika noong Nobyembre sa Oklahoma kung saan umani ito ng $40,000 cash purse.

Hindi rin malilimutan ang pag-sweep ni Orcollo sa tatlong korona sa Iron City Open — ang One Pocket ($10,100), 9-Ball Open ($5,000) at 10-Ball Open ($3,200).

Pinagharian din ni Orcollo ang 48th Annual Texas Open One Pocket ($15,500), 2021 Midwest Open ($8,000), Michael Montgomery Memorial One Pocket ($7,380), Michael Montgomery Memorial 10-Ball ($7,040), Triple Crown 9-Ball ($4,500), Triple Crown 9-Ball Banks ($4,500) at iba pang mga torneo.

Nasa Top 10 din ang dalawa pang Pinoy cue masters na sina dating World 9-Ball champion Carlo Biado at Roberto Gomez.

Pasok sa No. 6 si Biado matapos umani ng $78,754 papremyo kabilang ang kanyang pamamayagpag sa prestihiyosong 2021 US Open 9-Ball kung saan nagkamit ito ng $50,000 cash prize.

Show comments