National Open pakakawalan ngayon

MANILA, Philippines — Matapos ang dala­wang taong pagkaka­tengga bun­sod ng pan­demya ay balik-aksyon na sa wakas ang track and field sa bansa sa pagbu­bu­kas ng 2021 Ayala Phi­lippine Athletics Championships sa Baguio City Athletic Bowl.

Bibida sa two-day trackfest ang ilang na­tional team members na nagsasanay sa Baguio sa nakalipas na dalawang buwan bago lumipat sa Philsports Arena sa Pasig City sa Enero.

Ilan sa mga national team mainstays na mapapasabak sa bagito ngunit palabang katunggali ay sina SEA Games gold medalists Christine Hallasgo (marathon), Aries Toledo (decathlon), Sarah Dequinan (heptathlon) at Clinton Bautista (110m hurdle).

Dahil walang marathon ngayon ay sasalang si Hallasgo, ang Milo Marathon champion, sa 10,000-meter run, habang sa heptathlon si Toledo sa kawalan ng decathlon.

Paborito rin sa ka­ni­lang mga events sina four-time SEAG long jump queen Marestella Torres-Sunang at Anfer­nee Lopena sa 100-m sprint lalo’t wala ang batikang kampeon na si Eric Cray.

Ito ang unang event ng PATAFA simula no­ong 2019 nang idaos ang national open sa Ilagan, Isabela at ang SEA Games sa New Clark City, Capas, Tarlac.

Show comments