^

PM Sports

National athletes iinit na ang training

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inaasahang mas magiging pursigido sa pagsasanay ang mga national athletes dahil sa gagawing announcement ng Vietnam para sa pagtatakda ng 31st Southeast Asian Games sa Mayo ng 2022.

“I would like to believe na karamihan sa kanila ay nag-eensayo naman on their own muna habang hindi pa sila nakakahanap ng LGUs (Local Government Units),” ani Philippine Sports Commissioner Ramon Fernandez. “They are trying their best to prepare.”

Nakatakdang ihayag ng Vietnam ngayong linggo ang petsa ng pagdaraos nila sa SEA Games sa Mayo ng 2022 na orihinal na itinakda sa Nobyembre 21 hanggang Disyembre 2 ng taong ito.

Nakiusap ang Vietnam sa SEAG Federation na iurong ang pamamahala nila sa SEA Games sa 2022 dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Ipinasok na ng ilang National Sports Associations (NSAs) sa training bubble ang kanilang mga atleta bilang preparasyon sa Vietnam SEA Games.

“In our last meeting marami na rin tayong ina-prubahang training bubbles para sa ibang NSAs na nakahanap na ng mga LGUs that will help them and support them in their bubble training,” ani Fernandez.

Nasa PSC facilities na sa Teacher’s Camp sa Baguio City ang mga national karatekas na susundan ng mga boxers, habang nasa bubble training na rin ang kickboxing (La Trinidad, Benguet), muay thai (Baguio City), archery (Dumaguete City), fencing (Ormoc City), canoe/kayak (Tacloban) at weightlifting (Cebu at Zamboanga).

“Ang pagpasok ng isang (national) team sa bubble, kailangan dumaan muna sila sa RT-PCR test at antigen test,” wika ni Fernandez. “Hindi sila makakapasok doon kung wala silang RT-PCR.”

Inaasahan ding pormal na ihahayag ng Thailand ang pag-aatras nila sa 6th Asian Indoor and Martial Arts Games (AIMAG) sa 2023 mula sa orihinal na petsa sa Marso 10-20, 2022.

NATIONAL ATHLETE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with