Kat Tolentino excited lumaro sa national women’s volley team

MANILA, Philippines — Hindi maitago ni Choco Mucho wing spiker Kat Tolentino ang excitement sa kanyang unang national team stint.

Sa unang pagkakataon, makakapagsuot na ng Team Philippines jersey si Tolentino sa isang international competitions kaya’t nangako ito na gagawin niya ang lahat upang makatulong sa team.

“I look forward to playing with this new team and I hope to make everyone proud,” ani Tolentino

Isa si Tolentino sa tatlong nadagdag sa national pool na napili ng coaching staff sa pangunguna nina head coach Odjie Mamon at Brazilian mentor Jorge Edson Souza de Brito.

Bukod kay Tolentino, pasok din ang katropa nitong si playmaker Deanna Wong at outside hitter Jema Galanza ng Creamline Cool Smashers.

Bagong team ito para kay Tolentino at karamihan sa mga players ng pool ay ngayon lamang nito makakasama sa isang koponan.

 

Show comments