^

PM Sports

Last na ni Pacquiao?

Chris Co - Pang-masa
Last na ni Pacquiao?

MANILA, Philippines — Matapos ang masaklap na unanimous decision loss kay WBA welterweight champion Yordenis Ugas, bukas na bukas na ang usapan sa pagreretiro ni People’s Champion Manny Pacquiao.

Aminado si Pacquiao na malaki ang posibilidad na tuluyan na nitong lisanin ang mundo ng boksing ngunit wala pang pormal na anunsiyo ito dahil hangad muna niyang makapagpahinga at makapag-isip bago maglabas ng final na desisyon.

“In the future you may not see Manny Pacquiao fight in the ring. I don’t know,” ani Pacquiao.

Hindi naman na lingid sa kaalaman ng lahat ang napatunayan niya sa mundo ng boksing.

Tambak ang makikislap na karangalang ibinigay ng Pambansang Kamao sa Pilipinas sa loob ng mahigit dalawang dekadang pakikipagbasagan ng mukha kaya’t wala nang mahihiling pa ang mga boxing fans.

“I’ve done a lot for boxing and boxing has done a lot for me. I look forward to spending time with my family and thinking about my future in boxing,” ani Pacquiao.

Kitang-kita ang bahagyang pagbagal ni Pacquiao sa buong panahon ng laban.

Itinuturing ng ilang eksperto na isa sa posibleng dahilan ang dalawang taong pagkakatengga kaya’t nabigla ang kanyang katawan.

Naging dahilan ni Pacquiao ang cramps na nagpahirap sa kanya sa mga huling rounds ng laban ngunit ayaw niyang gawing excuse ito.

Tanggap ni Pacquiao ang pagkatalo kay Ugas. “I couldn’t move. My two legs were tight. But I’m not making excuses. Too much hard work. I ran in the mountains, also doing 32 rounds (in training) every day. I don’t know. We’re not young any more,” aniya.

Para kay Pacquiao, hindi mawawala ang boksing sa kanyang dugo. Gustuhin man nitong lumaban nang lumaban, kailangan aniyang sundin ang sinasabi ng kanyang katawan. “In my heart I want to continue fighting. But the thing is I have to consider also my body,” ani Pacquiao.

Inaasahang pagtutuunan ng pansin ni Pacquiao ang kanyang pamilya at ang maugong na posibilidad na pagtakbo bilang pangulo ng Pilipinas sa 2022 elections.

 

YORDENIS UGAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with