$80K refund hiling ng LVPI sa FIVB

MANILA, Philippines — Sumisigaw ng refund ang Larong Volleyball sa Pilipinas (LVPI) matapos matanggal ang recognition nito sa International Volleyball Federation (FIVB).

Matatandaang nagbigay ang LVPI sa FIVB ng $80,000 bilang bayad sa utang ng Pilipinas sa world governing body na tanging daan para kilalanin ito bilang opisyal na national sports association sa Pilipinas.

 “The LVPI was able to comply and honor its obligation commensurate to a perfected contract in which we deemed proper to rectify the injustice done to LVPI by FIVB,” ani LVPI president Joey Romasanta sa sulat  noong Enero 12, 2021 para maibalik ang perang ibinigay nito sa international body noong 2015.

“The non-refund of FIVB imposed $80,000 and the other expenses incurred will further add to the unfairness we suffered in supporting the programs in upgrading Philippine volleyball as well as AVC and FIVB events,” dagdag nito.

Ang naturang halaga ang naging daan para ibigay ang full recognition sa LVPI na noon ay karibal ng Philippine Volleyball Federation (PVF) ngunit parehong tinanggalan ng pagkilala ng FIVB matapos i-recognize ang bagong tatag na Philippine National Volleyball Federation (PNVF).

Nagbanta  ang LVPI na magdedemanda kung hindi ito ibabalik.

Show comments