Philippine boxers ‘di makakauwi agad

MANILA, Philippines — Kung hindi bababa ang kaso ng mga nagpopositibo sa coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas ay posibleng sa Agosto na makauwi ang mga national boxers.

At dahil rito ay kailangan ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) na maghanap ng iba pang training camp pagkatapos sa Thailand.

“If the situation persists, then they might have to stay outside of the country until the Olympics,” ani ABAP secretary-general Ed Picson. “So whether it be Thailand, India or some place else, unless the situation improves, then most likely sa labas na muna sila,” dagdag nito.

Bilang preparasyon sa 2021 Olympic Games na gagawin sa Tokyo, Japan sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8 ay dinala ng ABAP sina flyweight Irish Magno, fea­therweight Nesthy Petecio at flyweight Carlo Paalam sa isang training camp sa Samui Island sa Thailand.

Nag-eensayo naman si middleweight Eumir Felix Marcial Wild Card Boxing Gym sa United States bilang paghahanda sa 2021 Tokyo Olympics at para sa ikalawa niyang professional fight.

Sa kanilang pag-alis sa Thailand ay plano ng ABAP na dalhin ang mga national boxers sa isang training camp sa New Delhi, India kung saan sila lalahok sa ASBC meet sa Mayo 21 hanggang 30.

Kasama ng Philippine boxing team sa training camp sa Samui Island ang mga Thai fighters na pinaghahandaan din ang Tokyo Olympics.

“The Thai boxers left Samui Island bumalik sila ng Bangkok to be vaccinated. So tumawag kaagad ako, sabi ko “magpapabakuna na pala ‘yung mga boxer ninyo, sali kami, puwede ba.” Ang sabi we have to ask the Ministry of Health and the Ministry of Foreign Affairs,” ani Picson.

 

Show comments