^

PM Sports

Manuel ok na sa Alaska Aces

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Manuel ok na sa Alaska Aces
Vic Manuel

MANILA, Philippines — Sa kabila ng mga gusot, mananatiling solido ang core ng Alaska Aces sahog pa ang first round pick sa 2021 PBA Rookie Draft matapos masiguro ang pagbabalik ni superstar forward Vic Manuel para sa nalalapit na 46th Season sa Abril.

Mismong ang batikang agent na si Danny Espiritu ang nagkumpirma na halos plantsado na ang bagong kasunduan ng dalawang partido at final details na lang ang kulang matapos ang hindi pagkakaunawaan noong nakaraang buwan. “May inaayos pa na konting items,” ani Espiritu sa panayam ng PM Sports.

Hindi muna idinetalye ang haba at halaga ng bagong kontrata subalit magandang balita pa rin ito para sa Aces na mape-preserba ang No. 7 draft pick nila sa bigating draft class sa Marso 14.

Nauna nang sinabi ni coach Jeff Cariaso na kung walang patutunguhan ang negosasyon kay Manuel ay gagamitin ng Alaska ang naturang pick upang sumikwat ng solidong big man na papalit sa puwesto ni “Muscle Man”.

Dahil sa pumalyang contract extension talks matapos mapaso ang da-ting kontrata ni Manuel noong Disyembre 31 ay nalagay sa alanganin ang samahan ng dalawang partido at nagdesisyon si Manuel na lisanin ang koponan at biglang humiling ng trade ngunit maayos na ngayon ang lahat.

Bukod kay Manuel, malapit na ring maikasa ng Aces ang bagong deal kay Jeron Teng na lalong magpapatatag sa core ng koponan kasama sina Abu Tratter, Mike DiGregorio, Robbie Herndon, Jvee Casio, Barkley Ebona, Kevin Racal at Rodney Brondial.

Samantala, sa gitna naman ng pagdami ng free agents ay mapalad na nakakuha ng contract extension sina Almond Vosotros at Lervin Flores sa TNT Tropang Giga.

 

vuukle comment

VIC MANUEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with