NCAA MVP Sudan Daniel pumanaw
MANILA, Philippines — Bumuhos ang pakikiramay sa pagpanaw ni dating NCAA Most Valuable Player (MVP) Sudan Daniel ng San Beda University isang araw matapos ang Pasko.
Asthma attack ang dahilan ng pagkamatay ni Daniel na nagdiwang pa ng kanyang ika-31 kaarawan noong Disyembre 17.
Nakasama pa ng Semerad twins na sina Anthony at David si Sudan noong Pasko pati sina Gwen Zamora (partner ni David) at Sam Pinto (partner ni Anthony).
“Our beloved Sudan Daniel has sadly passed on December 26. Sudan was a wondeful brother, father, son and friend who touched the lives of those around him,” ani David sa kanyang post.
Magkakatropa sina Daniel at Semerad twins nang masungkit ng Red Lions ang korona noong NCAA Season 86 matapos walisin ang lahat ng 18 asignatura nito.
Ito rin ang parehong season kung saan nasungkit ni Daniel ang Season MVP at Defensive Player of the Year awards.
“Sudan dedicated his life to basketball, in helping people become the best version of themselves and reach their full potential on and off the court,” dagdag pa ni David.
Nagdadalamhati ang collegiate sports community partikular na ang mga San Beda players gaya nina Garvo Lanete at Borgie Hermida at ilang San Beda officials na sina team manager Jude Roque at dating head coach Frankie Lim.
- Latest