MANILA, Philippines — Sina dating boxing champion Gerry Peñalosa, pool legends Efren “Bata” Reyes at Django Bustamante, Grand Master Eugene Torre at PBA Best Import Sean Chambers ang ilan sa mga magiging panauhin ng Games and Amusements Board (GAB) para sa one-day 2nd Professional Sports Summit na gagawin via Zoom at isasaere sa Facebook Live sa Sabado.
“Hindi naman kasi porke pandemic ay hihinto na ang Games and Amusement Board, so we thought of coming up with a virtual Sports Summit,” wika ni GAB chairman Abraham ‘Baham’ Mitra sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum webcast edition kamakalawa.
Makakasama ni Mitra sa summit na idaraos sa Phi-lippine International Convention Center (PICC) sina GAB Commissioners Mar Masanguid at Ed Trinidad.
Pag-uusapan sa morning session ang mga bagay na may kaugnayan sa mga boxing rules, mental health at mga batas na may relasyon sa professional sports.
Sa afternoon session naman mapapanood sina Peñalosa, Reyes, Bustamante, Torres at Chambers kasama ang ilang national leaders.