^

PM Sports

Labanang Union Bell at Heneral Kalentong

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Atat na ang mga karerista na mapanood ang paghaharap ng Heneral Kalentong at champion horse na Union Bell matapos makita ang mga nagdeklara ng pagsali sa 2020 PHILRACOM 3rd Leg Triple Crown Stakes race na ikakasa sa Linggo sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.

Nitong nakaraan lamang ay inilabas na ng Philippine Racing Commission ang mga posibleng tatakbo sa nasabing stakes race kaya naman laking saya ng mga karerista nang makitang naka-post na sa Facebook ang lineup.

Hangad ni Benjamin Abalos, may-ari ng Heneral Kalentong na sikwatin ang panalo upang maukit ang kanyang kabayo sa history ng horse racing na naka-sweep ng Triple Crown series.

Walo ang naghayag ng pagsali pero sa mga komento ng mga karerista sa FB ay parang dalawang kabayo lang  ang magbabakbakan-- ang Heneral Kalentong na pag-aari ni Benjamin Abalos at pambato ni Elmer De Leon na Union Bell.

Bukod sa Heneral Kalentong at Union Bell ang ibang nasa listahan sa declared entries ay ang Sky Shot, Cartierruo, Winner Bidder, Blazing Bullet, Runway at Lucky Savings.

May distansyang 2,000 meter race, nakalaan ang P1.8-M sa unang kabayong tatawid sa meta sa event na suportado ng PHILRACOM, hahamigin ng second placer ang P675,000 habang ibubulsa ng third at fourth ang tig P375,000 at P150,000 ayon sa pagkakasunod.

Samantala, pakakawalan din ang Hopeful Stakes race kung saan pitong kabayo ang nominado sa distansyang 2,000 meter race.

 

UNION BELL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with