Bell Racing Stable naka-2

MANILA, Philippines — Dalawang malalaking karera ang pinanalunan ng Bell Racing Stable na pagaari ni Elmer De Leon noong Linggo nang manguna ang Work Bell at Charm Bell sa 2020 PHILRACOM Juvenile Colts at Fillies Stakes races ayon sa pagkakasunod sa Metro Turf, Malvar-Tanauan City, Batangas.

Unang nagpakitang gilas ang Charm Bell sa Fillies event bago inangkin ng Work Bell ang korona sa Colts na parehong sinakyan ni former  PSA Jockey-of-the-Year awardee Jonathan Hernandez.

‘Di nahirapan ang Work Bell na hindi inapura ni star jockey Hernandez at pinabayaan lang na mauna ang mga katunggali bago pinausad  ang sakay na kabayo sa far turn at iwan ang mga kalaban sa rektahan. Ganun din ang ginawa ni Hernandez nang ipanalo sa Race 4 ang Charm Bell.

Tig-P900,000 ang premyo sa Colts at Fillies races kaya naman umabot sa P1.8-M ang hinamig ni De Leon sa panalo ng kanyang mga kabayo.

Ka-kuwadra ng Work Bell at Charm Bell ang champion horse at reigning PSA Horse-the-Year Union Bell.

 

Show comments