Heneral Kalentong sa1st leg ng Triple Crown

MANILA, Philippines — Hinirang na kampeon ang Heneral Kalentong sa 2020 PHILRACOM “1st Leg Triple Crown” kahapon sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Ipinakita ng Heneral Kalentong ang husay nito sa rematehan upang siluhin ang tumataginting na P1.8M premyo sa event na inisponsoran ng Philippine Racing Commission.

Sakay si class A rider Jessie Guce, naorasan ang Heneral Kalentong ng 1:42.6 minuto para sa distansyang 1,600 meter race.

Ipinuwesto ni Guce ang Heneral Kalentong sa pang-apat sa largahan habang nasa unahan ang Runway.

Papasok ng far turn ay unti-unting umusad sa unahan ang winning horse at pagsapit ng hu-ling kurbada ay kumukuha na ito ng bandera.

Sa huling 100 metro ng karera ay malinaw na nasa unahan na ang Heneral Kalentong habang nasa pangalawa ang Cartierruo.

Nakopo ng Cartierruo ang halagang P675,500 habang napunta ang P375,000 at P150,000 sa third at fourth placers na Tifosi at Four Strong Wind ayon sa pagkakahilera.

 

 

Show comments