Kasama sa pag-iingat ng bubble ang desisyon ng PBA na suspindihin ang trade transactions sa kabuuan ng Philippine Cup play resumption sa Clark, Pampanga simula Oct. 11.
Problema nga naman ang paggawa ng bagong uniporme kung may trade.
Walang kasamang sastre sa bubble, walang makakagawa ng bagong uniporme kaya wala munang palitan ng player.
Limitado ang coaches sa kanilang rotation mula sa labing limang players na ipapasok nila sa Clark bubble.
At dahil nagsumite na ang lahat ng kanilang final lineup, wala nang palitan pa.
Kung may biglang tamaan ng virus sa loob ng bubble, ready ang Clark isolation facilities. Kung critical ang sitwasyon ay mayroon din ospital sa loob ng Clark na puwedeng pagdalhan sa pasyente.
Pero dahil susundan ang NBA model, tiwala ang PBA na magiging successful ang tournament kung saan maghahabol ang San Miguel Beer ng all-Filipino six-peat.
Kahit wala si June Mar Fajardo, kumpiyansa ang mga Beermen na kaya nilang makipagsaba-yan sa lahat ng challengers.
Kaya nilang makipagsabayan pero mawawala ang malaki nilang advantage dahil sa ‘di pag-lalaro ni Fajardo.
Ang consensus ay wide open battle sa PBA Clark bubble play.
Great equalizer ang pagkawala ni Fajardo gayundin ng Ginebra fans at ang mahabang pagkakatengga ng lahat dahil sa pandemic.