Amanda Villanueva nagretiro

Amanda Villanueva

MANILA, Philippines — Sa edad na 28, tuluyan nang nagretiro sa volleyball ang 5-foot-4 spiker na si Amanda Villanueva, na 13 taon din naging bahagi ng kanyang buhay.

Kamakalawa lang ay inanunsyo ni Villanueva ang tuluyan niyang pag-iwan sa sports na nagbigay ng napakaraming opportunidad sa kanya.

“Every end is a new beginning,” post ni Villanueva sa Instagram kasama ang ilang larawan. “Now that I am moving on the next chapter of my life, I don’t know what the future holds but it sure bright as I envison it. I am officially signing-off as a pro-athlete.”

Unang nakilala si Villanueva sa Adamson University Lady Falcons kung saan nakopo nila ang beach volleyball title kasama si Bang Pineda noong 2014.

Una siyang naglaro sa Shakey’s V-League sa PLDT Home Ultera at nagpakitang-gilas din siya Premier Volleyball League (PVL) sa BanKo Perlas Spikers bago lumipat sa Sta. Lucia sa Philippine Superliga.

Ngayon ay lumalabas sa iba’t ibang progama sa telebisyon si Villanueva, una ay napanood siya sa Bawal Judgmental ng Eat Bulaga at Bawal na Game Show sa TV5. Engaged na siya sa Radio DJ at host na si Rico Robles.

Show comments